Friday, June 11, 2010

My Majayjay Experience (Feb 2010)

Masaya ang naging pagliliwaliw naming sa lugar na ito, Kahit mahaba ang biyahe ay okay lang naman. Kasama ko naman ang 5 kung alalay. Lahat sila ay sinasamba ang aking ka-pogian, at kung ituring ako ay isang diyos ng ka-gwapuhan. Di nila alam na kahit anong himas nila sa akin ay di nila makukuha ang aking taglay na alindog sa mga babae.

Mga ilang oras pa ay dumating na rin kami sa lugar na dapat sana ay maaga kaming nakarating , kung di dahil sa isang alalay na nakatulog. (makakatikim siya sa akin mamaya). Pagkatapos nilang ayusin ang dapat ayusin ay pinayagan ko silang magpahinga, maligo at magpakasaya. Lahat sila ay nagsipaghubaran ng mga kamiseta. Para bagang hinihimok akong maghubad din. Ngunit di pwede masyadong maraming kababaihan sa oras nayun, ayoko magkagulo sila sa mala pandesal kong masel sa tiyan at matitipuno kong dibdib na inaalagaan ko ng himas. Tsaka di ako pipitsuging nilalang mga ilang buwan na lang ay inhinyero na ako.

Pagkatapos magtampisaw sa batis na ubod na lamig, Nagpasya akong pumunta sa itaas para bumili ng ibang magagamit ng aking mga alipin. Batid ko ang lungkot nilang lahat, ayaw nilang mawala sa paningin nila ang kanilang sinasambang amo.

Malayo man ang tinahak ko ay agad naman akong nakabalik, sa tulong narin nag pag jojoging ko tuwing umaga sa luneta, siempre dapat fit ako, bilang isang kinatawan ng kapogian sa buong mundo kailangan ma maintain ko ang pagiging macho gwapito. Pag balik ko banaad sa aking mga alalay ang pananabik, para bagang inakay na iniwan ng kanilang inahing ibon na tuwang tuwa sa kaniyang pagbabalik.

Lumipas ang oras na puno ng saya at paglalambing, kahit ang isa kung alalay ay maagang nagluto para di kami magutom, halata naman na nagpapaimpress siya sa akin, gusto nanaman humimas sa aking mala trosong bisig bilang kabayaran sa kanyang pagsisipagsipagan.

Kahit anong tago ko ng aking karisma ay di parin sapat dahil mayamaya lang ay nilapitan kami ng isang grupo ng kababaihan at nagpumilit makitabi sa amin. Naisip ko di ako madamot at siempre di naman ako ang may ari ng lugar, pero dapat di sila masyadong obvious. Halatang halata kasi ang mga nakaw na tingin nila sa akin. May malisya.



Mayamaya pa ay dina sila nakatiis kunwari ay inaalok kami ng pagkain yun pala may kapalit. Ang kapalit ay sumama ako sa kanilang piktyuran, Kahit ayaw ko pinagbigyan ko na dahil masyadong natuwa ang aking mga alalay sa alay nilang pagkain sa akin. Mga matatakaw ang aking alalay di sila nag mana sa akin na concern sa aking matipunong katawan.

Pagsapit ng gabi nagbotohan sila kung sino ang makakatabi ko, akala naman kasi nila pag katabi nila ako ay magiging pogi na rin sila. Pero di lahat ng tao ay pinapalad na maging poging katulad ko, minsan naiisip ko kung parusa ba ito sa akin o regalo, dahil sa totoo lang mahirap maging pogi.

Kinabukasan ay maaga naman nagsipag gising ang aking mga alalay, Makikita mo sa kanilang mga mata ay naglalakihang muta at ang pag asa na sila ay dadalhin ko sa lugar na aking sinilangan. Minsan ko ring nilisan ang lugar nayun dahil sa takot na mapikot ng kababaihan at kainggitan ng mga kalalakihan.

Pero para sa ikasasaya ng aking alalay ay titiisin ko nalang ang lahat ng iyon, Kasi ang pagiging pogi kahit papaano ay nakakasanayan din.

7 comments: