
Eto naman ang aking kwento tungkol sa pagiging alamat sa larangan ng musika. Medyo nakakapagod pero pag naiisip ko na ginagawa ko to para sa sarili ko, ay nawawala lahat ng pagod ko. Siyempre di naman ako tumutugtog para magpasikat, ginagawa ko to dahil isa akong alagad ng sining. Ilang beses din ako nanalo sa Adamson plakadong plakado ko kasi yung kantang JOPAY. Di sa pagyayabang, sa sobrang galling ko sa pagkanta ng JOPAY pati yung bandang mayonnaise ay napapatunganga pag nasa entablado na ako.
Ilang beses na din akong umakyat sa entablado pra bigyang kahilingan ang aking milyong milyong tagahanga. Mga bumiyahe pa sa malalayong lugar para lamang masilayan ang aking mala Adonis na kapogian at marinig ang mala anghel kong tinig.
Ilang beses ko din napagbigyan ang mga kahilingan ng aking mga die-hard eric fans sa adamson, para silang mga kabute na bigla nalang nag si dami. Nagkaroon pa ng iba ibang chapter, hanggang sa tuluyang di ko na kayang pagbigyan ang milyong milyong miyembro ng aking DIE-HARD ERIC FANS CLUB, ANG MASTER ERIC FANS CLUB, ANG ERIC FOREVER FANS CLUB at siyempre ang mahirap maging pogi group na hanggang ngayon ay parami ng parami, Lahat sila ay mahal ko ngunit iba ang pitak sa puso ko ng MAHIRAP MAGING POGI GROUP, ako ang nagbuo at namimili ng miyembro, lahat ay dumadaan sa masusing pamimili at mahirap na proseso.

Sa kagustuhan kong wag maging sellout ay di ako nagpapabayad at tumutugtug din ako ng mga nais kolang tugtugin. Walang pwede makialam, minsan nga napagkasunduan na isang set ang aking kakantahin mga walong kanta din yun, kaya walong beses ko tinugtug ang jopay. Di sila makakapagreklamo sa akin dahil kung di dahil sa akin walang manunuod ng konsiyerto.
Pero ganun talaga kakambal ko na talaga ang pagkakaroon ng mga tagahanga, yan ang kapalit ng pagiging pogi
i wanna be a ricstar 2....
ReplyDeletealalay 2......