Monday, June 28, 2010
Mahirap Maging Pogi Group
Tuesday, June 22, 2010
Sunday, June 20, 2010
The Original Hunks
Friday, June 18, 2010
My 2nd Movie
- Humakot ng Awards sa MFF
- May DVD ito na mabibili sa quiapo ka double ang naunang pelikula
- Certified Blockbuster
- Lumaban sa Caines Film Festival sa New York
Cast
Wednesday, June 16, 2010
My First Movie
Ito naman ang kauna unahang pag sabak ko sa industriya ng pelikula. Nagsama sama ang Viva Films, Star Cinema, Seiko Films, Maverick Productions, Fpj Production, Sampaguita Films, Regal Films para lang mabuo ang pelikulang ito. Dapat sana ay hanggang part 10 to kaso sabi ko trilogy nalang dahil mag bo-board exam pa ako.
Buod ng istorya
Si Ramba ay pauwi na sana ng SM Manila galing Quiapo, kaso nakatulog siya, diman lang siya ginising ng kundoktor ng dyip. Pag gising nya ay nasa mindanao na siya sa kadahilanang siete pesos nalang ang kanyang pera di na siya pinasakay muli ng dyip na roundtrip byaheng Quiapo -Mindanao. Dito nagsimula ang Istorya ng pelikula. Nagsimula siyang maglakad pauwi ng Maynila ngunit dahil sa taglay nyang kagwapuhan ay natipuhan siya ng anak ng datu at sapilitang pinakasal. Ng magkagulo sa bayan na nasasakupan ng biyenan niya at namatay lahat ng alagang manok, dun nagsimula ang gulo, dahil di na kumakain ng karne si Ramba puro nalang itlog. Sinalakay niya isa-isa ang kuta ng NPA, MILF, ASG, AFP, at Team Pacman para maningil sa kanilang mga atraso at hanapin ang salarin. Taglay ang kanyang kagwapuhan, matitipunong dibdib, malapandesal na abs at mga armas inisa isa nya ang mga salarin, hanggang sa matuntun nya ang mastermind ng pangmamasaker sa alagaing manok ng kanyang biyenan. Ngunit sa kadahilananng marami ang kalaban nahuli siya at ginulpi, habang ginugulpi sumigaw si Ramba ng Sige BUMANAT KAYO!
TUNGKOL SA PELIKULA
- gumastos ng 500 milyon ang produser ng pelikula dahil narin sa all star cast ito.
- tumatagal ng 12 hours at 15 minutes, pero yung directors cut ay aabutin ng 24 oras
- kahit puno ng patayan ay binigyan ito ng General Patronage ng MTRCB
- pang una sa sampung parte ng Ramba
- nakakuha ito ng 100% rating sa rotten tomatoes
- si yoyoy villame ang gumawa ng soundtrack
Mga Cast
- Master Eric
- Palito
- Panchito
- Babalu
- Dindo Fernando
- Rico Yan
- Francis M
- Bomer Moran
- Romy Diaz
- George Estregan Sr.
- Eddie Fernandez
- FPJ (special participation)
Sunday, June 13, 2010
BUHAY Rockstar
Eto naman ang aking kwento tungkol sa pagiging alamat sa larangan ng musika. Medyo nakakapagod pero pag naiisip ko na ginagawa ko to para sa sarili ko, ay nawawala lahat ng pagod ko. Siyempre di naman ako tumutugtog para magpasikat, ginagawa ko to dahil isa akong alagad ng sining. Ilang beses din ako nanalo sa Adamson plakadong plakado ko kasi yung kantang JOPAY. Di sa pagyayabang, sa sobrang galling ko sa pagkanta ng JOPAY pati yung bandang mayonnaise ay napapatunganga pag nasa entablado na ako.
Ilang beses na din akong umakyat sa entablado pra bigyang kahilingan ang aking milyong milyong tagahanga. Mga bumiyahe pa sa malalayong lugar para lamang masilayan ang aking mala Adonis na kapogian at marinig ang mala anghel kong tinig.
Ilang beses ko din napagbigyan ang mga kahilingan ng aking mga die-hard eric fans sa adamson, para silang mga kabute na bigla nalang nag si dami. Nagkaroon pa ng iba ibang chapter, hanggang sa tuluyang di ko na kayang pagbigyan ang milyong milyong miyembro ng aking DIE-HARD ERIC FANS CLUB, ANG MASTER ERIC FANS CLUB, ANG ERIC FOREVER FANS CLUB at siyempre ang mahirap maging pogi group na hanggang ngayon ay parami ng parami, Lahat sila ay mahal ko ngunit iba ang pitak sa puso ko ng MAHIRAP MAGING POGI GROUP, ako ang nagbuo at namimili ng miyembro, lahat ay dumadaan sa masusing pamimili at mahirap na proseso.
Sa kagustuhan kong wag maging sellout ay di ako nagpapabayad at tumutugtug din ako ng mga nais kolang tugtugin. Walang pwede makialam, minsan nga napagkasunduan na isang set ang aking kakantahin mga walong kanta din yun, kaya walong beses ko tinugtug ang jopay. Di sila makakapagreklamo sa akin dahil kung di dahil sa akin walang manunuod ng konsiyerto.
Pero ganun talaga kakambal ko na talaga ang pagkakaroon ng mga tagahanga, yan ang kapalit ng pagiging pogi
Saturday, June 12, 2010
Friday, June 11, 2010
Mga Heartrob ng Bayan
My Majayjay Experience (Feb 2010)
Mga ilang oras pa ay dumating na rin kami sa lugar na dapat sana ay maaga kaming nakarating , kung di dahil sa isang alalay na nakatulog. (makakatikim siya sa akin mamaya). Pagkatapos nilang ayusin ang dapat ayusin ay pinayagan ko silang magpahinga, maligo at magpakasaya. Lahat sila ay nagsipaghubaran ng mga kamiseta. Para bagang hinihimok akong maghubad din. Ngunit di pwede masyadong maraming kababaihan sa oras nayun, ayoko magkagulo sila sa mala pandesal kong masel sa tiyan at matitipuno kong dibdib na inaalagaan ko ng himas. Tsaka di ako pipitsuging nilalang mga ilang buwan na lang ay inhinyero na ako.
Pagkatapos magtampisaw sa batis na ubod na lamig, Nagpasya akong pumunta sa itaas para bumili ng ibang magagamit ng aking mga alipin. Batid ko ang lungkot nilang lahat, ayaw nilang mawala sa paningin nila ang kanilang sinasambang amo.
Malayo man ang tinahak ko ay agad naman akong nakabalik, sa tulong narin nag pag jojoging ko tuwing umaga sa luneta, siempre dapat fit ako, bilang isang kinatawan ng kapogian sa buong mundo kailangan ma maintain ko ang pagiging macho gwapito. Pag balik ko banaad sa aking mga alalay ang pananabik, para bagang inakay na iniwan ng kanilang inahing ibon na tuwang tuwa sa kaniyang pagbabalik.
Lumipas ang oras na puno ng saya at paglalambing, kahit ang isa kung alalay ay maagang nagluto para di kami magutom, halata naman na nagpapaimpress siya sa akin, gusto nanaman humimas sa aking mala trosong bisig bilang kabayaran sa kanyang pagsisipagsipagan.
Mayamaya pa ay dina sila nakatiis kunwari ay inaalok kami ng pagkain yun pala may kapalit. Ang kapalit ay sumama ako sa kanilang piktyuran, Kahit ayaw ko pinagbigyan ko na dahil masyadong natuwa ang aking mga alalay sa alay nilang pagkain sa akin. Mga matatakaw ang aking alalay di sila nag mana sa akin na concern sa aking matipunong katawan.
Pagsapit ng gabi nagbotohan sila kung sino ang makakatabi ko, akala naman kasi nila pag katabi nila ako ay magiging pogi na rin sila. Pero di lahat ng tao ay pinapalad na maging poging katulad ko, minsan naiisip ko kung parusa ba ito sa akin o regalo, dahil sa totoo lang mahirap maging pogi.
Kinabukasan ay maaga naman nagsipag gising ang aking mga alalay, Makikita mo sa kanilang mga mata ay naglalakihang muta at ang pag asa na sila ay dadalhin ko sa lugar na aking sinilangan. Minsan ko ring nilisan ang lugar nayun dahil sa takot na mapikot ng kababaihan at kainggitan ng mga kalalakihan.
Pero para sa ikasasaya ng aking alalay ay titiisin ko nalang ang lahat ng iyon, Kasi ang pagiging pogi kahit papaano ay nakakasanayan din.
Personal Profile
NickName: Bosing, Amo, Engineer, Master, JCI killer
Organization:
Mahirap Maging Pogi Group MMPG(founder)
Achievements:
- Board Passer (Electrical Engineering Exam 2010)
- Mr. Pogi 2000 - 2010 Brgy 659 zone 71, San Marcelino
- Derek Ramsey Look alike Grand finals winner
- Key to the city holder (Tiaong, Quezon)
- Most Promising young star (Seiko Films)
- Jogging sa Luneta,
- magtagay sa inuman,
- tumambay sa cd burn,
- pasayahin ang mga alipores
- magpalaki ng dibdib
- magpagalaw ng dibdib
- himasin ang dibdib
- manuod ng anime /manga
- makinig ng kanta ni Andrew E. Specially ung mahirap maging pogi
Favorite Songs:
- Mahirap maging Pogi- Andrew E.
- Pogi - Da Pulis
- Pinakamagandang Lalake - Janno Gibbs
- Macho Gwapito - Rico J. Puno
- Think of Laura - Christopher Cross
- Sana Dalawa ang Puso ko - Bodjie's Law of Gravity
- Hawak Kamay - Kitchie Nadal
- Sulat - Moonstar 88
Favorite Dish
- banana with egg sa umaga
- lahat
Define Love:
Sana ako nalang, Sana ako nalang ulit.
Words of Wisdom
2. Nagsalita naman si payat.
3. Tso-galeng
4. Ilang buwan nalang naman
5. Di ako nakatakbo.
6. Sabihin mo na ang gusto mong sabihen.
7. Bumanat ka!
8. Ako na nga nagtatagay.
9. Maaga ako bukas.
10. May interview ako.