Ito ang pangalawang pagkakataon na gumanap ako bilang si RAMBA. mas maaksyun ito, punong puno ng bugbugan, pero kadalasan ako ang binubugbug. Ito ang nagiisang pelikulang pinalabas nung 2005 Manila film festival, dito ako napa-ngaralan bilang best actor at best supporting actor. Nakatangap din ng best stunts, story of the year, movie of the year, best screen play, best musical score, tsaka siyempre top grosser. Wala naman kasing lumaban sa pelikulang ito. Sa sobrang ganda ng pelikula yung iba sampung beses inulit. Galing kasi ng acting ko dito, Dito ako unang umiyak sa kamera.
Buod ng istorya
Ang mga unang eksena ng pelikulang ito ay yung nasa kuta ng kalaban si Ramba, dito ay araw araw- gabi gabi ginugulpi siya ng mga kalaban. Ginawa siyang pang-himagas ng mga kalaban pagkatapos kumain ginagawa na siyang punching bag, kulang nalang ay isabay siya sa kanin. Pero dahil sa angking kisig at mala adonis na katawan, di niya iniinda ang mga nangyayari.
Ang buong istorya ay umikot sa pambubug-bog kay Ramba, Natapos lang ito ng may isa na miyembro ng BADINGARZI (Angelo) ang nabighani sa kanya. Sa una ay binubugbog siya nito pero di nila alam ay may angking gayuma ang mga dibdib ni ramba, na ang bawat dumampi dito ay nabibighani lalo na ang may mga pusong babae.
Dito na nagsimulang magkaroon ng pag titinginan ang dalawa, nuong una ay bugbugan na di nag laon ay nauwi sa kurutan at lambingan. Pero ng malaman ito ng Lider ng mga kalaban ay pareho silang binugbog. sa kadahilanang di tulad ng katawan ni Angel ang mala obra maestrang katawan ni Ramba na para bagang inukit ng isang magaling na sepulturero, di nito kinaya ang pambubugbog at ikinamatay nito. Dito nakita ang galit sa mukha ni Ramba namula ang kanyang mga mata at mayamaya pa ay tumulo ang luha, habang humahagul-gol ay nagsabi ito na. di ko dudungisan ang aking mga kamay!.
Tungkol sa pelikula
- Humakot ng Awards sa MFF
- May DVD ito na mabibili sa quiapo ka double ang naunang pelikula
- Certified Blockbuster
- Lumaban sa Caines Film Festival sa New York
Cast
wala masyado puro extra lang at puro kay Master eric lang naka Focus ang Camera.